Sunday, May 12, 2013

Freaky Friday

Had a weird friday.

Nung umaga, inabot ako ng traffic sa Mindanao Ave at naka-idlip sa FX. Pagbaba ng SM North, diridiretso sa info counter para magpa-load. May beki at gel na humarap sakin habang nagpapa-load. Nagulat ako sa sinabi nung beki na sales guy, kamukha ko raw si Georgina Wilson. hahahaha

Palibhasa siguro nakatali ang buhok ko pataas at nakatulog ng kaunti, medyo puffy ang mata ko? Pero first time ko talaga na masabihang kamukha ko yung model though sanay na akong nasasabihang kamukha ni ganito ni ganyan o napagkakamalang kakilala nila. napaka-generic kasi ng itsura ko. hahahahah...

Nung pag-alis ko tuloy, napatingin ako sa glass panel ng body shop para tingnan kung may hawig nga. hahah

Tapos nung pa-taxi naman ako ng tanghali papunta sa Family Planning Organization of the Philippines, sabi ko sa west ang daan at alam ko na ang traffic ng lahat ng ruta. Alam ko na rin ang patak ng metro. ang kulit ng driver at nag-edsa, di pa nagkasya at sa morato pa talaga dadaan as if 'di nya alam kung gaano ka-traffic doon anumang oras. pumatak ng isandaan na kung tutuusin ay sa ganung patak dapat nasa gilmore na ako. syempre umakyat ang dugo ko sa ulo at hinintay sumbra ang patak dahil bababa ako at babayaran ng kulang ang litsugas na drayber.

imbis na convenience ang hinangad ko, lalo pa akong na-inconvenience at napagastos. sarap mambuntal!

Pagkarating ng gabi at pabalik na naman ng rutang SM North, akala ko nakasalubong ang isang kaybigan dahil sa tatoo sa leeg ng isang lalaki. syempre nung makitang hindi s'ya didiretso na sana ako. pero bumati at nagsalita ang lalaki. napalingon ako kung sinong kausap n'ya. sumabay sakin maglakad.

nakipagkilala. pasensya daw kung masyado s'yang forward. isip ko, sige okay lang. basahin ko at pustahin kung anong trip nun. pasok daw kami ng mall. sunod naman ako. thought, kaya ko naman siyang gulpihin kahit mas malaki sakin kung ano man.

syempre pa sumagi sa isip ko na talaga namang may asim din naman ako kahit paano. thought baka may gusto sakin at ang haba ng buhok ko. hahahaha. pero mas dalawa ang ipinupusta ko. gusto mag-trip o money boy.

turns out, money boy nga. nagtanong ba naman sakin kung ok na bang mag-KFC kami. kahit medyo expected, napa-'Ha?' pa rin ako. Ganun na ba ang itsura ko, matronang beki para lapitan ng money boys? NYAR!

Sabi ko, katatapos ko lang kumain. Sabi n'ya ah, ok... kung saan daw ba ang punta ko. Sabi ko, may imi-meet ako. Nag-sori s'ya 'di n'ya daw in-expect na may boyfriend ako. hahahah. sakay pa rin ako at 'di na lang nagkomento. sabi n'ya sige, una na raw s'ya at baka magalit ang syota ko.

Mixed ang effect sakin. Mukha rin ba akong imposibleng magka-syota? wow! at the same time, parang naawa tuloy ako dun sa guy. thought that he just wanted to have a meal.

but then again, i thought. he seems healthier than me and may good looks naman. kung yung pagha-hussle ang gusto n'ya, pwede naman s'yang mag-try mag-pink soft porn.

hahah

really weird day nung biyernes.

No comments:

Post a Comment